Barbie Imperial, kinumpirmang break na sila ni Diego Loyzaga

Kinumpirma na ni Barbie Imperial ang hiwalayan nila ni Diego Loyzaga.

Matatandaan na lumabas ang espekulasyon tungkol na kanilang paghihiwalay, matapos na lumipad patungong US si Diego nang hindi kasama si Barbie noong nakaraang buwan.

Read More:  The Pod Network terminates ‘Machong Chismisan’ podcast contract ‘effective immediately’

Pero sa gitna ng pag-amin, hindi na idenetalye ng aktres kung bakit nagresulta sa breakup ang kanilang relasyon, bagama’t ito naman umano ay amicable separation.

Matatandaa na noong Disyembre nang ipagdiwang ng dalawa ang kanilang unang taong anibersaryo.

Read More:  Baby Dolls’ Juby Sabino draws backlash from Donny Pangilinan fans over intimate dream remarks

Samantala, nang tanungin kung anu ang pinakabago nitong natutunan sa pag-ibig, ay sinabi ni Imperial na ito ay ang kahalagahang mahalin muna ang sarili, bago ang iba. //MHEL PACIA-TRINIDAD