NVOC: Walang nilabag na karapatan ang COVID vaccination sa mga bata

Nanindigan ang head ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na walang karapatan na nilabag ang gobyerno sa pagsusulong sa pagbabakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11-taong gulang laban sa COVID-19.

Iginiit ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na siyang head ng NVOC na ang pagbabakuna sa naturang age group ay hindi compulsory.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Mababatid na tuloy ngayong araw ang pagbabakuna sa mga bata laban sa naturang virus, sa kabila ng petisyon sa korte na itigil ang immunization drive para sa naturang age group.

Read More:  Senate accepts Gerville Luistro’s apology over ‘wacky photos’

Sa gitna nito, muling tiniyak ng NVOC na ligtas at angkop ang formulation ng inaprubahang Pfizer vaccine para sa mga bata.

Nasa 0.2 mL ang dosage para sa mga 5-11 year old kumpara sa 0.3 mL dosage na ginagamit sa mga 12-17 age group. //MHEL PACIA-TRINIDAD