Internet rights advocacy group nalalabuan sa ilang probsiyon ng SIM Card Registration bill

Nangangamba ang isang Internet rights advocacy group sa pagsasabatas ng SIM Card Registration Act.

Paliwanag ng grupong Democracy.net.ph may ilang probisyon sa panukalang batas na masyadong malabo para masabing ligtas ang publiko sa pagpapatupad nito.

Ayon kay Pierre Tito Gala, co-founder ng grupo, kabilang sa mga dapat linawin ay ang Section 2 ng panukala kung saan nakasaad na aatasan ng Estado ang pagpaparehistro ng mga SIM Card para sa mga electronic device at social media account ng lahat ng mga gumagamit.

Read More:  Cayetano vows minority bloc will continue work after Villar’s exit

Sinabi ni Gala na hindi tinukoy sa bill kung ano ang maituturing na social media dahil pwedeng mahagip ’yung mga tinatawag na scholars ng Axie, at mga naglalaro ng online games.

Read More:  60 fatalities in MV June Aster fire identified; 11 others still being identified — PCG

Hindi rin pabor si Gala sa pagcentralized ng data sa mga nakarehistrong SIM Card dahil posibleng maging bukas umano ito sa pag-atake ng mga hacker.

Magugunitang nakapasa na sa kongreso ang panukala at naghihintay na lamang ng lagda ni pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas.