Panukalang batas na pro-protekta sa mga online consumer at merchant, na-endorso na sa Senado

Inindorso na sa para talakayin sa plenaryo ng Senado ang Senate Bill No. (SBN) 2489 o ang Internet Transactions Act of 2022.

Layon nang naturang panukala na protektahan ang mga consumer at merchant na nakikibahagi sa mga transaksyon sa internet sa pamamagitan ng paglalagay ng mga mahigpit na regulasyon at paglikha ng E-commerce Bureau.

Read More:  Jobless Filipinos rise to 3.14 million in July

Ayon kay Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship chairman Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang Internet Transactions Act ay tumutugon sa pangangailangan ng mga consumer at merchant habang isinusulong ang paglago ng E-commerce sa bansa.

Nakasaad sa batas na pwedeng maparusahan ang mga taong magsasagawa ng fake booking o magkakansela ng mga order para sa pagkain o mga groceries na nabayaran na at hawak na nang delivery rider.

Read More:  House Prosecution considers stipulating witness Edward Fajarda’s testimony to expedite impeachment trial

Magiging labag din ang “hindi makatwirang kahihiyan, pang-aalipusta, pamamahiya, sa lahat ng mga ride hailing service partners.

Umaasa naman ang mambabatas na susuportahan ang naturang panukala ng kanyang mga kasama sa senado upang tuluyang maging ganap na batas.