PH, nagtala ng malaking pagbaba sa adolescents births

Malaki ang ibinaba sa bilang ng mga nanganak na kababaihan na may edad 20-taong gulang sa Pilipinas, simula noong 2003.

Ayon kay Commission on Population and Development Executive Director Juan Antonio Perez III, ito ay dahil sa epekto ng COVID-19 lockdowns at ang suspension ng face-to-face classes.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Batay sa datos, ang adolescent pregnancies ay bumaba ng 23,855 noong 2020 – na 13% drop, para sa naturang age group.

Sinabi ng POPCOM na ang malaking bahagi ng pag-decrease ay mula sa mga babaeng may edad 15 hanggang 19-taong gulang, na bumubuo sa 98.7% ng kabuoang adolescent births noong 2020 o 23,557.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ang daily birth rate ng mga ina sa naturang age bracket ay bumaba mula sa 489 noong 2019 sa 425 noong 2020. //MHEL PACIA-TRINIDAD