Drift irrigation system, inilunsad ng DA sa lahar area ng Botolan

Inilunsad ng Department of Agriculture Region 3 ang Drift Irrigation System Project sa isang demo farm sa lahar area ng Carael, Botolan, Zambales.

Ayon sa DA ang proyekto ay naisakatuparan sa demo farm sa barangay nakaraang January 22 sa pamamagitan ng mga paaralang may teknikong kaalaman sa agrikultura tulad ng President Ramon Nagsaysay State University at Central Luzon State University.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Ang proyekto ay akma sa isang farm sa lahar area na kayang magpatubig sa 1,000 square meters na sakahan.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Ayon naman sa lokal na pamahalaan ang proyekto ay pinondohan ng isang daang libong pIso at kung magiging matagumpay ay maaaring gawin sa iba pang lahar area.//Russell Banawa-BNFM IBA

May be an image of food and text