DepEd, di magdeklara ng nationwide ‘academic break’

Hindi makakapagdeklara ang Department of Education ng nationwide “academic break” dahil ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa ay hindi naman umano pare-pareho, sa kabila ng panawagan ng iba’t-ibang grupo.

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, kung ano ang sitwasyon sa COVID-19 ay dapat may angkop rin na aksiyon ang mga principal o schools superintendent.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Kaugnay nito, pinaalalahanan rin ni San Antonio ang publiko na mkakapagpatupad ang mga paaralan ng “academic ease” policy, pero sa ilalim nito, ang mga deadlines para sa requirements ay maipagpapaliban o ang ilang items salearning modules ay ikokonsiderang optional.

Read More:  Senate court imposes sub judice ban on all VP Sara impeachment articles

Dagdag ng opisyal, sakaling piliin ng mga paaralan na mag-break, kailangan nilang magsagawa ng adjustments para mapunan o mahabol ang minimum number ng school days para sa academic year.