Hong Kong, magbibigay ng COVID-19 vaccine para sa 5-anyos pataas

Sisimulan na ng Hong Kong ang pagbibigay ng COVID-19 vaccines para sa mga batang may edad mahigit limang taong gulang.

Ayon kay Chief Executive Carrie Lam, target nilang taasan ang bahagyang mababang vaccination rate sa gitna ng tumataas na coronavirus infections.

Read More:  BAYAN prepares a ‘hot’ welcome for Trump ahead of his expected Philippine visit

Kaugnay nito, iminungkahi ni Lam, na itigil mula ang face-to-face classes sa kindergartens at primary schools hanggang sa Lunar New Year sa unang bahagi ng Pebrero, upang mapigilan ang transmissions ng fast-spreading Omicron variant.

Read More:  9 dead after business jet crashes into residential area in Florida

Sinabi nito na ang mga batang higit limang taong gulang ay makakakuha ng Chinese-made Sinovac vaccine.

Mababatid na pinayagan ng mga otoridad ang iba pang bakuna na available sa Hong Kong, gaya ng Germany’s BioNTech, para sa mga batang may edad 12 taong gulang pataas.