Vax drive para sa 5-11, target na masimulan sa February

Target ng Pilipinas na simulan ang pagtuturok ng Pfizer COVID-19 vaccine shots sa mga bata na edad 5-11 sa maagang bahagi ng Pebrero.

Sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) head, Health Undersecretary Myrna Cabotaje na hinihintay na lamang ng gobyerno ang delivery ng Pfizer shots para sa nasabing age group.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Ipinunto naman ni Health Undersecretary Eric Domingo na may efficacy rate na 90% ang Pfizer vaccine sa mga bata na edad 5 – pataas.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Dagdag niya, “very mild” lamang ang naobserbahang adverse events na dulot ng Pfizer vaccine.

Mababatid na tinatayang nasa 13.5-million ang bilang ng mga bata na edad 5-11 sa Pilipinas.