Unemployment rate sa bansa bumaba sa 6.5% nitong Nobyembre 2021 – PSA

Bahagyang bumaba ang unemployment rate sa bansa nitong Nobyembre.

Sa inilabas na datus ng Philippine Statistics Authority (PSA) naitala sa 6.5% nitong Nobyembre 2021 ang mga Pinoy na walang trabaho.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Mas mababa ang naturang bilang kaysa sa naiulat noong Oktubre 2021 na nasa 7.4%.

Ayon sa PSA aabot sa 3.16 million ang mga unemployed persons o bilang ng nasa labor force na walang trabaho o negosyo noong Nobyembre, mas mababa ng 0.34 million sa naitalang 3.5 million noong Oktubre ng nakaraang taon.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Samantala naitala naman ng PSA ang 16.7 percent underemployment rate nitong Nobyembre 2021 mas mataas kumpara sa naireport noong Oktibre 2021 kung saan nasa 16.1% lamang.