Bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa Mercedes umabot na sa 151 matapos makapagtala ng dalawang bagong kaso

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 151 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte makaraang makapagtala ng dalawang panibagong kaso ngayong linggo.

Ito ay makaraan ang ilang buwang walang naitatalang kaso ng sakit sa naturang bayan at sa lalawigan

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon sa Municipal Health Office sa bilang na ito 131 ang gumaling habang 18 naman ang nasawi.

Pinakamarami pa rin ang naitalang kaso ng sakit sa Barangay San Roque na mayroong 28.

Sa 26 na barangay ng naturang bayan tanging ang Lanot lang ang walang naitalang kaso ng COVID- 19.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Samantala patuloy naman ang pagbabakuna sa naturang bayan sa layuning maabot ang herd immunity.

Ngayong araw ay mayroong bakunahan sa Mercedes Evacuation Center para sa first at second dose gayundin sa booster shot.