LEGAZPI-Pumalo na sa 504 na albayano ang namatay dahil sa sakit na Covid-19 simula noong March 2020.
Ito ay base sa pinalabas na record ng Albay Provincial Health Office.
Sa ngayon, pumalo na sa 155 ang aktibong kaso sa lalawigan ng Albay matapos ang bagong kaso ng tinamaan ng Covid-19 sa lalawigan.
Dagdag pa nito, ilang araw na lamang ang natitira, maaabot na ng lalawigan ng Albay ang 10 libo na kumpirmadong kaso na kung saan karamihan dito ay fully recovered na.
Samantalang sa ibang balita sa laalwigan ng Albay, nanawagan naman ang Albay PHO para sa mga fully vaccinated na mahigit 3 buwan na na magpaturok na ng booster shots ng Covid-19.
Hindi na umano kailangan magregister at tanging vaccination card o certificate lamang ang kailangan.