Camarines Norte IMT nagpaalala sa publiko na magingat at huwag palaganapin ang mga hindi beripikadong text messages o social media postings

CAMARINES NORTE- Nagpaalala ang Camarines Incident Management team sa publiko na mag-ingat at maging mapanuri sa mga isineshare na text messages at post sa Social Media

Ito ay matapos kumalat ang isang facebook post na diumanoy isang kautusan ang ipapalabas ni Governor Edgardo Tallado na magkakaroon ng pagbabago sa oras ng curfew, public transportation at border checkpoint

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kaugnay nito, Ipinabatid na walang inilalabas na bagong panuntunan ngayong 2022 ang Provincial Incident Management Team na may kaugnayan sa COVID-19.

 nitong Enero 3, 2022 ay isinagawa ang 660th Operation Period Briefing na pinangunahan ni Unified Incident Commander Atty. Don H. Culvera.

Paglilinaw ng Camnorte IMT na bagamat ang lalawigan ay nasa  Alert Level 2 dahil sa  COVID-19, ang mga usapin/ isyu kaugnay sa curew, GCQ, Liqour ban at public transport ay  hindi tinalakay

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Bunsod nito,  Hiniling ng Pamahalaang Panlalawigan na huwag maniwala at huwag palaganapin ang mga hindi beripikadong  text messages / social media postings kaugnay sa mga isyung nabanggit na kumalat kahapon

Ayon kay Atty Don H. Culvera, hintayin ang opisyal na anunsyo mula sa Pamahalaang Panlalawigan.