PRRD, inutusan ang mga pulis na magbantay sa COVID-19 quarantine hotels

Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na bantayan ang mga hotels na nagsisilbi bilang quarantine facilities ng returning Filipinos.

Sa Talk to the people, ay sinabi ng Pangulo na hindi magagawa ng mga tauhan ng hotel na makipagpisikalan para lamang pigilan ang mga tao na gustong tumakas sa quarantine.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Iginiit ng Punong Ehekutibo  na ang mga tauhan lamang ng gobyerno ang may otoridad na pumigil sa kanila.

Bilang tugon ay sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na inutos na niya kay Philippine National Police Chief Police General Dionardo Carlos na dagdagan ang bilang ng mga pulis sa mga hotels.

Read More:  NBI witness says VP Sara Duterte skipped threat probe, sent lawyer instead

Ipinunto naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may probisyon sa Republic Act 11332 na nagpapataw ng parusa sa mga entities o establishimyento na mabibigo na pigilan ang mga indibidwal na tapusin ang kanilang quarantine.