3 tindahan at karenderya nasunog sa Bgy. Dumangueña, Narra Palawan

Kinumpirma ni Punong Baranggay Edgar Domingo na tatlong tindahan ang nasunog sa Purok Bagong  Lipunan  ng bgy. Dumanguena, Narra Palawan.

Napag-alaman na pagmamay-ari ang mga tindahan nina Joana Francisco,  Wilkie Macadag-um at Pacita Parojenog.

Read More:  Woman found dead inside refrigerator in Rizal identified; Police name boyfriend as person of interest

Ganap na 5:10 kaninang umaga December 30 , 2021 sumiklab ang sunog habang mag-aalas 6:00  ng umaga  ideklarang fire out.

Ayon kay fire Investigator FO1 Mark Daniel Galicia ng BFP- Narra posibleng electrical overload ang sanhi ng sunog at humigit kumulang nasa P90,000 ang halaga ng gusali ang natupok ng apoy.

Read More:  RoRo vessel runs aground in Occidental Mindoro; passengers and crew rescued

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon sa nangyaring insidente ng sunog.