Hospital utilization rate, hindi pa rin nagbabago sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19

Naiulat ng Department of Health na hindi pa rin nagbabago ang utilization rate sa mga ospital matapos maobserbahan ang pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 nitong panahon ng Kapaskuhan.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pag-angat ng daily positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa mahigit 5% ay hindi pa nakikita sa utilization ng mga ospital.

Read More:  Baste Duterte says VP Sara impeachment is meant to stop her 2028 presidential bid

Sa ngayon ay ipinunto ni Vergeire na nasa 17% pa rin ang utilization ng mga ospital.

Read More:  OCD on heightened alert for Super Typhoon Inday

Ipinaliwanag ng opisyal na ang ibig sabihin nito ay hindi pa punuan sa mga pagamutan.

Gayunman, ipinunto ni Vergeire na mayroon nang mga pasilidad ang nakapagtala ng pagdami ng mga pasyente nito na may mga sintomas ng COVID-19.