Mga may edad 5-anyos pataas, maaari nang magparehistro sa PhilSys

KORONADAL CITY- MAAARI nang magparegister para sa Philippine ID System o PhilSys ang mga kabataan may edad 5 hanggang 14 anyos.

Ayon kay Philippine Statistics Authority o PSA South Cotabato Provincial Statistics Officer Jilmar Grecia na maaari nang pumunta sa mga registration centers ang mga menor de edad upang magparehistro para sa national ID.

Read More:  Husband killed, wife injured in three-vehicle crash in Bacolod

Napag-alaman na limitado lamang noon sa mga 15 anyos pataas ang pagpaparehistro sa PhilSys dahil sa mga restrictions bunsod ng COVID 19 pandemic.

Read More:  Cebu City landslide kills three, leaves one survivor as 212 residents are affected

Sa mga magparehistro, magdala lamang ng birth certificate o school ID at iba pang identification cards. Hinihikayat naman ang mga magulang na samahan ang kanilang mga anak sa pagpaparehistro.