23 informal sector workers nakabenepisyo sa DOLE BikeCINATION project

KORONADAL CITY- DALAWAMPU’T tatlong mga informal sector workers sa lalawigan ng South Cotabato ang nakatanggap ng bisekleta mula sa Department of Labor and Employment o DOLE Region 12 sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP)- BikeCINATION Project.

Ang BikeCINATION Project package para sa mga eligible beneficiaries ang kinabibilangan ng bisekleta na may all-weather accessories, reflectorized vest, insulated carrier bag, tarpaulin at cellphone na may P 1,000.00 na load.

Read More:  Religious beliefs influence family planning decisions among some Muslim families – CRMC

Ito ay may kabuuang halaga na P 534,711.

Layon nito na magbigay ng alternatibong pagkakakitaan sa mga informal sector workers o sa kanilang pamilya na kabilang sa A4 category at nakakumpleto na ng COVID-19 vaccine.

Read More:  Ambulance carrying patient collides with taxi in Cebu City

Ang releasing ng mga bisekleta ay pinangunahan ni DOLE 12 Regional Director Raymundo G. Agravante.