Cebu City LGU nagkasa ng crackdown vs mapagsamantalang sellers at retailers

Nagsimula na ang pamahalaang lokal ng Cebu City sa paghabol sa mga sellers at retailers na nagbebenta ng sobrang mahal na mga basic goods.

Kagabi nasampulan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na nagbebenta ng 10 liters na bottled water sa halagang P300 gayung nasa 90-100 pesos lamang dapat ang bentahan nito.

Read More:  Palace urges VP Sara to answer before Impeachment Court

Depensa naman ng seller nabili niya ang produkto sa mahal na presyo kaya may kamahalan din ang kanyang pagbenta.

Ayon kay Atty. Gerry Carillo, hepe ng Cebu CDRRMO kailangan nilang magsagawa ng crackdown dahil minamanipula ng ilang mga negosyante ang presyo ng mga pangunahing bilihin kaya nagkakaroon ng ‘fake shortage’.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Nabatid na una nang sinabi ng DTI na may 50 mga negosyo na ang kanilang pinagpapaliwanag sa dahil sa ‘profiteering’ matapos ang pagsalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.