Lalawigan ng Catanduanes, mayroon na lamang 7 aktibong kaso ng COVID-19

BNFM BICOL—Tanging pito na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes batay sa pinaka latest na datus na inilabas ng Provincial Health Office.

Sa tala ng nasabing tanggapan, walang naidagdag na bagong kaso ng sakit sa probinsya kahapon kung kaya’t nananatili sa 2,761 ang mga naitalang COVID-19 cases sa lalawigan.

Read More:  Volunteer work, persistence mark Ilog man’s road to Army commission

Lima naman ang mga bagong gumaling kung kaya’t nasa 2,631 na ang COVID-19 recoveries sa Catanduanes habang wala namang naidagdag sa  bilang ng mga nasawi na sa kasalukuyan ay mayroong 124.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Sa 11 bayan sa Catanduanes, ang bayan ng Caramoran ay may tatlo pang aktibong kaso ng sakit; dalawa sa Panganiban habang tag-isa naman ang bayan ng Pandan at Bato.###