Mister ng 4th Omicron case sa Pilipinas, positibo sa COVID-19

Inanunsyo ng Department of Health na isinailalim sa genome sequencing ang mister ng ikaapat na kaso ng Omicron variant sa Philippines matapos nitong magpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nagawa na nilang ma-trace ang close contacts ng 38-anyos na babae mula sa Estados Unidos na dumating sa Ninoy Aquino International Airport noong December 10.

Read More:  88 areas in the country placed under State of Calamity due to typhoons and Habagat

Ayon kay Vergeire, kasalukuyan nang nasa isang isolation facility ang asawa ng ikaapat na Omicron case.

Read More:  Orly Guteza recants suitcase allegations against Martin Romualdez

Ipinunto ni Vergeire na kumolekta na sila ng samples mula sa mister ng Omicron case, at inaasahan na mailalabas ang resulta ng genome sequencing sa loob ng ilang araw.