Legazpi City mas dinodble ang information drive patungkol sa oplan ligtas iwas paputok program at oplan paalala

LEGAZPI CITY – Mas doble ang pagsasagawa ngayon bandilyo ng Bureau of Fire Protection (BFP) Legazpi ng pagbibigay ng information drive patungkol sa Oplan ligtas iwas paputok program at Oplan paalala sa lungsod ng Legazpi.

Ayon kay Fire Chief Inspektor Eric Caramoan ang City Fire Marshall ng Bfp Legazpi, dalawang beses na nila ginagawa ang pag-iikot sa nasabing lungsod para sa pagbibigay ng impormasyon patungkol sa oplan ligtas iwas paputok program at oplan paalala.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat

Mahalaga aniya na malaman ng mga legazpeño ang kanilang ginagawa lalo na ngayon ay marami na ang nagtitinda ng mga paputok.

Dagdag pa nito, sa oras na hindi tama ang paggamit ng paputok ay maaari ka umano maputukan o makasunog ng bahay.

Read More:  Gunmen kill farmer in hail of bullets outside home in southern Negros town

Sinabi ng opisyal, ang pagsalubong ng bagong taon ay maaari naman ipagdiwang sa alternatibong maiingay na bagay tulad ng pag-iingay ng kaldero, busina ng sasakyan, pag-aawit sa videoke at higit sa lahat ang salo salo sa pagkain sa bagong taon na kasama ang buong pamilya.