Rapu-Rapu Albay mababa parin ang roll out vaccination dahil sa sama ng panahon

LEGAZPI CITY – Aminado ang Alkalde na si Ronald Galicia na mababa pa rin ang kanilang roll out vaccination sa bayan ng Rapu-Rapu Albay.

Aabot pa lang 9, 128 o 33% ang nababakunahan habang nasa 5, 464 o 20% ang fully vaccinated.

Tinatayang nasa 18, 593 ang remaining unvaccinated sa nasabing bayan.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Ayon kay Mayor Galicia, 32 barangay ang hindi makakarating sa vaccination area dahil sa sama ng panahon.

Aniya, kailangan kasi gumamit ng bangka upang makatawid ng sentro poblacion at karatig barangay.

Maliban pa rito, may mga residente rin ang namimili pa umano ng bakuna sa Poblacion.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Sa ngayon ay marami na ang nagpapabakuna dahil sa Johnson and Johnson ang dumating na bakuna sa bayan.

Umaasa ang opisyal na bago magtapos ang taon 2021 ay makamit nila ang 50% roll out vaccination sa Rapu Rapu.