Ika-4 na Omicron case ng Pilipinas, naitala ng DOH

Kinumpirma ng Department of Health na umakyat na sa apat ang bilang ng mga nakumpirmang kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang ikaapat na kaso ay isang 38-anyos na babae mula sa Estados Unidos.

Read More:  VP Sara Duterte’s reported request to meet Marcos called ‘fake news’

Aniya, dumating ang babae sa Ninoy Aquino International Airport noong December 10 sakay ang Philippine Airlines PR 127.

Ipinunto naman ni Vergeire na mula sa arrival ay sumailalim kaagad sa quarantine ang babae.

Read More:  Hontiveros calls out Meta over violent content after Zamboanga school shooting

Kabilang sa mga sintomas nito ay ang pangangati sa lalamunan at sipon noong December 13.

Nang magpositibo ang babae noong December 15 ay nailipat ito sa isang isolation facility.