Naghahanda na ang ilang malalaking ospital sa pagsasagawa ng limang araw na “PhilHealth holiday” kung saan ay hindi muna tatanggapin ang mga deductions para sa health services.
Inanunsyo ito ng Private Hospitals Associations of the Philippines Inc. nitong Lunes.
Ayon kay PHAPI President Dr. Jose Rene De Grano, hinihimok ng kanilang grupo ang mga ka-miyembro nito na huwag tumanggap ng reimbursements na may kinalaman sa PhilHealth mula January 1 hanggang January 5, 2022.
Ipinunto ni De Grano na pagpapakita ito ng suporta sa mga kasamahan nila.
Matatandaan na nagdesisyon na ang pitong ospital sa Iloilo, kabilang na ang Far Eastern University-Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation (FEU-NRMF) na putulin ang ugnayan nito sa PhilHealth dahil sa delayed payment sa claims.
