One Tablet, One Student Act, ipinanukala sa Senado

Inihain ni Senator Nancy Binay ang isang panukala na magbibigay ng tablets at iba pang kahalintulad na devices sa bawat isang public school student.

Ito ay upang matiyak ang kalidad ng edukasyon habang nasa ilalim pa ito ng blended learning o purely remote learning modality.

Read More:  Orly Guteza recants suitcase allegations against Martin Romualdez

Kasama sa mga kwalipikado sa ilalim ng Senate Bill 2454 o ang panukalang “One Tablet, One Student Act” ay ang mga public elementary at secondary student.

Maari ring mabigyan ng tablet o devices ang mga estudyante na naka-enroll sa state univerisities and colleges.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Internet allowance naman ang maaring ibigay sa mga iba na mayroon nang sariling gadgets upang mabayaran ang kanilang gastos sa internet.