Oil price roll back, posible sa mga susunod na araw

Umaasa ang Unioil Petroleum Philippines na bababa ang presyo ng produktong petrolyo sa mga darating naraw.

Base sa fuel price forecast ng kompanya mula December 28, 2021 hanggang January 3 2022 trading week, ay sinabi ng Unioil na posibleng bumaba ang presyo kada litro ng diesl ng 60-centavos hanggang 70-centavos.

Read More:  DILG Sec. Remulla pays Vice Mayor Respicio’s ₱28K drug test

Maari naman bumaba ang halaga ng gasolina ng 20-centavos hanggang 30-centavos kada litro.

Kadalasan ay inaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang mga pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo tuwing Lunes, na iniimplementa naman sa susunod na araw.

Read More:  DFA defends Marcos foreign trips amid spending criticism

Matatandaan noong December 21 ay nagtaas ang mga kompanya ng 55-centavos sa mga presyo ng gasolina at diesel.