COVID-19 Reproduction number sa NCR, umakyat sa 0.70 ayon sa OCTA

Ibinunyag ng independent think tank na OCTA Research na tumaas sa 0.70 ang reproduction number o transmission rate ng COVID-19 sa National Capital Region noong December 22.

Sa isang tweet ay sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na tumaas sa 0.70 ang reproduction sa Metro Manila mula sa 0.42 noong December 15.

Read More:  OSG seeks dismissal of Marcos drug test petition

Ipinunto naman niya na tumaas rin ang reproduction number noong nakaraang taon bago mag-holidays.

Anya, sinundan naman ito ng pababang trend sa mismong holidays na posibleng dulot ng pag-uwi ng mga tao sa kani-kanilang probinsya.

Read More:  Cayetano warns of ‘sabotage’ in impeachment process ahead of 2028 elections

Gayunman, iginiit niya na nagkaroon ng uptick sa unang linggo noon ng January 2021.

Inihayag naman ni David na hindi naobserbahan noong December 2020 ang nangyayari ngayon kung saan ay patuloy ang pagtaas ng reproduction number sa gitna ng holidays.