Suplay ng bakuna sa bansa, sasapat para sa mas maikling interval period sa booster shot

Tiniyak ng Department of Health na sapat ang suplay ng gobyerno para matugunan ang mas maikling interval period sa pagitan ng primary doses ng COVID-19 at ng booster shot.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroon 200-million doses na committed na para sa bansa, at mula sa nasabing bilang ay natanggap na ng Pilipinas ang 150-million doses.

Read More:  House prosecutors seek prayers ahead of Sara Duterte impeachment trial

Dahil diyan ay sinabi niya na sobra-sobra pa ang suplay ng bansa ngayon.

Naiulat rin ni Vergeire na inaasahan na mayroon pang 25-million na karagdagang COVID-19 vaccine doses ang darating bago matapos ang 2021.

Read More:  Suspected P10-M ecstasy shipment from Canada leads to American’s arrest

Matatandaan na inaprubahan ng Food and Drug Administration ang rekomendasyon na vaccine expert panel na mapaikli sa 3 buwan ang interval para sa adminsitration ng booster doses mula sa dating 6-month period.