Power services ng Bohol, kabilang sa pinakanapinsala ng bagyo – NGCP

Naiulat ng National Grid Corporation of the Philippines na ang Bohol ang isa sa pinakaapektadong lugar ng Bagyong Odette matapos nitong pabagsakin ang 183 poste ng kuryente at limang transmission towers.

Dahil diyan ay ibinunyag ni NGCP spokesperson Cynthia Alabanza na ang Bohol na lamang ang nag-iisang probinsya mula sa mga lugar na tinamaan ng bagyo, ang nanatiling walang transmission services.

Read More:  Padilla calls for social media ban on youth amid rising school violence

Nagawa naman ng NGCP na bigyan ng partial transmission services ang Surigao del Norte, Surigao del Sur, Leyte, Negros, at Samar.

Read More:  Hontiveros calls out Meta over violent content after Zamboanga school shooting

Samantala, tuluyan naman naibalik ang kuryente sa Antique, Iloilo, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental, at Lanao del Norte.