EU nagdonate ng P95.8-M para sa mga biktima ng bagyong Odette

Bumuhos ang tulong mula sa International Community para sa mga biktima ng bagyong Odette sa Pilipinas.

Inanunsiyo ng European Union na magbibigay ito ng 1.7 euro o katumbas ng P95.8-million bilang humanitarian funding para sa emergency assistance sa mga nasalanta ng nagdaaang kalamidad.

Read More:  DSWD strengthens water, food security efforts amid Super El Niño threat

Ayon kay EU Commissioner for Crisis Management, Janez Lenarčič ang naturang pondo ay ilalaan para sa immediate needs ng mga apektadong residente katulad ng pagkain, tubig, bahay at iba pa bang househlold items.

Kinumpirma din ni Lenarčič na magbibigay din sila ng cash grants sa mga labis na naapektuhan ng bagyo upang makatulong ito sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay habang hindi pa nakakabalik sa kanilang tahanan.

Read More:  Chinese vessels block PH operation near Pag-asa

Inihayag naman ng EU na posibleng madagdagan ang donasyong pondo sa mga susunod na araw habang patuloy nilang minomonitor ang humanitarian emergency effort sa Pilipinas.