LGU Ligao City vaccination team pinuntahan ang mga senior citizen sa bawat barangay para mabakunahan kontra COVID-19

LEGAZPI CITY – Patuloy din naman ng pagbibigay o pagpapalawak ng information dissemination campaign sa mga barangay na bakunahan ang mga senior citizen sa lungsod ng Ligao.

Ayon kay Mayor Patricia Gonzales Alsua, inilalapit na ng City Local Government Unit (LGU) ang pagbabakuna sa A2 priority group o senior citizen dahil sa marami pa ang ayaw na magpabakuna.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Karamihan umano sa mga hindi pa nababakunahan ang nasa mga upland barangay o mga malalayong barangay.

Dahil dito pinupuntahan na ng vaccination team ang mga barangay para magsagawa ng pagbabakuna.

Read More:  Tricycle driver stabbed by minor in Bacolod City

Ipinapaliwanag rin ng Local na Pamahalaan ng lungsod ang kahalagahan ng bakuna sa mga senior citizen laban sa covid 19.

Sinabi ng opisyal, inaasahan rin nito na bago umano matapos ang taon 2021 ay mapataas ang coverage rate ng pagbabakuna sa mga senior citizen sa lungsod ng Ligao.