Olongapo City lagpas na sa Herd Immunity

Nalagpasan na ng Olongapo City ang target na kinakailangang bilang para makuha ang Herd Immunity sa covid-19 vaccination program.

Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, 72.51% na ang fully vaccinated sa Olongapo, lumagpas sa 70% na target population.

Read More:  Academe, religious groups to hold prayer rally against SOCOTECO II-Ignite Power JVA

Ang mga nabakunahan naman ng 1st dose ay umabot na ng 94.75%.

Binigyang diin naman ni Bustamante na ang datos ay mula sa Department of Health Regional Office.

Read More:  Parked SUV hit by gunfire in Kidapawan City

Samantala, nananatiling isa ang aktibong kaso ng covid-19 ngayon sa Olongapo.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person, food and text