DTI muling pinaalalahanan ang mga tindahan sa kahalagahan ng price tag

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga tindahan  hinggil sa kahalagahan ng paglalagay ng price tag.

Sa gitna ito ng tila pagbabalewala lalo ng ilang malalaking tindahan sa price tag law.

Ayon kay Gary Rafanan, Information Officer ng DTI Camarines Norte, importante ang price tag dahil ito rin umano ang paraan nila para mamonitor ang presyo ng mga bilihin sa ilalim ng kanilang huriskdikyson.

Kapag wala umano silang nakitang price tag ay maaaring mag isyu ng violation sa price tag law ang DTI.

Bagamat hindi aniya malaki ang penalidad sa paglabag sa naturang batas, importante pa rin daw ang pagsunod.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Hinimok naman ng DTI ang mga consumer na maari nilang kunan ng picture ang tindahan na hindi naglalagay ng price tag sa kanilang mga produkto at ipadala sa kanila pa ma verify.

Maliban sa paglabag sa price tag law ay maaari din aniyang idulog sa kanilang opisina ang anumang reklamo sa nabiling produkto.

Maaaring magpadala ng mensahe sa facebbok page ng DTI Camarines Norte at mayroon umanong tutugon.

Paalala lang ng DTI na sa anumang reklamo ay importante ang resibo o proof of purchase.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

“Pag may complaints po kayo, kasi nire -require din naming yung Proof of Purchase  like yung resibo pwede po kayong mag message sa facebook page naming,  DTI Camarines Norte right away po magrereply po diyan sa inyo at magrerefer po sainyo kung ano yung mga susunod na hakbang para mai file po ninyo ang pormal na reklamo, para magawan din po natin ng pormal na pagdudulog din or yung mediation conference kung saan ipapatawag namin yung nagrereklamo at yung nirereklamo para maayos natin, kung may paglabag na makita natin may violation po yun and then yung sa reklamo ni client magagawan natin nga kaukulang aksyon,” ani Rafanan sa panayam ng Brigada News FM Daet-