Improvised shotgun at mga bala, nasamsam sa isang lalake sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang lalake makaraang makuhaan ng  improvised shotgun at mga bala sa isinagawang operation ng mga awtoridad kahapon ng umaga sa Purok-1, Barangay Pinagwarasan, Basud, Camarines Norte.      

Kinilala ang suspek na si alyas “Owen”, 36 may asawa at residente sa nabanggit na lugar.

Ginawa ng mga pulis ang operasyon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Ivan D Dizon ng RTC Branch 40 dito sa Daet.

Read More:  Policewoman faces charges over firearm used in Tacloban shooting

Nakuha sa nasabing operasyon ang isang sumpak (Improvised Shotgun) na may lamang hindi pinaputok na cartridge at anim na pirasong bala ng shotgun.

Ayon kay Camarines Norte Police Provincial Director PCOL Julius Guadamor, ngayong  papalapit ang eleksyon ay mas paiigtingin pa umano ng kapulisan ang kampanya laban sa mga hindi rehistradong baril,na maaring gamitin ng masasamang loob.

Read More:  Newly graduated man shot outside Pantukan school in Davao de Oro

Nasa kustodiya na ngayon ng CIDG Camarines Norte ang naarestong suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms & Ammunition Regulations Act.