4 na COVID 19 fatalities at isang karagdagang kaso ng sakit naitala sa Bicol kahapon

BICOL- Umabot na sa 1,904 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Bicol region matapos makapagtala ng apat na karagdagang fatalities kahapon.

Batay sa ulat ng DOH-Bicol, tatlo sa mga nasawi ay mula sa lalawigan ng Albay habang isa naman ang namatay mula sa lalawigan ng Sorsogon.

Read More:  Ambulance carrying patient collides with taxi in Cebu City

Samantala, may isang karagdagang kaso naman ng sakit na naitala ang ahensya mula sa bayan ng Bombon sa Camarines Sur.

Bunsod nito pumalo na sa 3,285 ang aktibong kaso ng sakit sa buong rehiyon mula sa kabuuang 46,754 na mga naitalang kumpirmadong kaso.

Sakabila nito, patuloy naman ang pagdami ng mga nakakarekober sa naturang sakit makaraang madagdagan ng 27 recoveries.

Read More:  14-year-old student found with .357 Magnum inside Cebu school

Sa naturang bilang, 13 nito ang mula Legazpi City; pito sa lalawigan ng Albay at 29 sa Naga City habang pitong indbidwal naman ang gumaling sa lalawigan ng  Sorsogon. Patuloy pa rin ang paalala ng DOH sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa serbisyung salud bikolnon.