Tacurong City PNP, nagbabala laban sa pekeng pera

KORONADAL CITY — KASABAY ng holiday season, nagbabala ngayon ang Tacurong City PNP sa publiko na mag-ingat laban sa pekeng pera.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Police Lt. Col. Joan Maganto, hepe ng Tacurong City PNP, sinabi nito na posibleng manamantala ang mga manloloko gamit ang pekeng pera ngayong panahon na abala ang lahat sa paghahanda sa darating na Pasko at Bagong Taon.

Read More:  Man killed in alleged stabbing by 15-year-old nephew in Cebu

Payo nito sa mga nagmamay-ari ng mga tindahan na tingnang mabuti ang perang tinatanggap upang hindi mabiktima ng pekeng pera.

Read More:  Binalbagan River residents brace for foul odor, murky water as milling season opens

Dagdag pa ng nasabing opisyal na i-report agad sakaling may makitang kahina-hinalang tao sa paligid o kung may pekeng perang matatanggap upang agad na ma-aksyunan.

Matatandaan na noong nakaraang buwan nasa P20,000 na pekeng pera ang nakumpiska ng mga otoridad sa lungsod ng Tacurong.