Mga pasaherong kasabay ng 2 Omicron patients dapat pakiramdaman ang sarili – DOH

Pinayuhan ng Department of Health ang mga nakasabay sa eroplano ng dalawang pasaherong nagpositibo sa Omicron variant na pakiramdaman ang sarili kung may sintomas ba ng COVID-19.

Ayon sa DOH agad na makipag-ugnayan sa Barangay Health Emergency Response Teams at DOH hotlines ang mga ito kapag makaranas ng kahit anong sintomas ng sakit.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Kasalukuyan umanong beniberipika ng DOH ang lahat ng test result at health status ng mga nakasabay ng dalawang Omicron infected passenger.

Hindi naman binanggit ng kagawaran kung ilan ang bilang ng mga pasahero nakasabay ng dalawang COVID-19 patients sa magkahiwalay na flight.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Nabatid na batay sa inilabas na impormasyon ng DOH isang 48-anyos na returning overseas Filipino (ROF) mula Japan at 37-anyos na Nigerian ang unang dalawang kaso ng Omicron sa bansa.