Suplay ng gulay ngayong Pasko, sapat

SORSOGON CITY- Tiniyak ng Sorsogon City Agricultures Office (CAO) sa publiko na may sapat na suplay ng gulay sa pamilihang panlungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay City Agriculturist Adeline Detera, sinabi nito na bukod sa produktong ani ng mga local farmers sa tatlong distrito ng lungsod ay inaasahan din ang pagbaba ng mga gulay mula sa ibang probinsya katulad ng Benguet. 

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Aniya, ilang gulay kasi na ginagamit sa chopsuey at pangsahog sa mga panghanda sa Pasko ay galing sa nasambit na probinsya dahil sa malamig na klima dito, tulad ng upland vegetables na cabbage, cauliflower at bell pepper.

Read More:  Army soldier, wife killed after Bacolod family dispute

Pagbabahagi pa ng opsiyal na  dito naman umano sa lungsod ay maraming suplay ng sayote at Bagiuo beans ang na-aani ng mga local farmers. 

Samantala, nananatiling banta pa rin umano sa suplay ng gulay ay ang possibleng pagsama ng pahanon tulad ng pagbaha ngayong buwan.