PH nagtala ng 500 new COVID-19 cases; Active tally nasa 15K pa

Nagtala ang Pilipinas ng 500 bagong kaso ng COVID-19, dahilan para umabot na sa 2,833,038 ang kabuoang tally.

Ito na ang pang pitong sunod na araw na naitala ang hindi lalampas sa 1,000 na mga bagong kaso ng COVID-19.

Sa daily COVID-19 case bulletin ng Department of Health, lumalabas na bumaba ang bilang active cases sa 15,327, mula sa 15,800 active tally noong Martes, kung saan 47.14% ang mild, 4.9% ang asymptomatic, 25% ang moderate, 16.23% ang severe, at 7% ang nasa kritikal na kondisyon.

Sa gitna nito, nagtala ang DOH ng 951 na mga karagdagang COVID-19 survivors, dahilan para tumaas ang total recoveries sa 2,768,999, habang 48,712 na ang death toll dahil sa 167 na mga bagong fatalities.

Nabatid na ang positivity rate sa Pilipinas na 2.1% ay pasok parin sa target ng World Health Organization na below 5%. //MHEL PACIA-TRINIDAD