Cusi umaasang magbabago pa ang isip ni Go matapos umatras sa presidential race

Aminado si PDP-Laban President Alfonso Cusi na umaasa pa rin ang kanilang partido na magbabago ang desisyon ni Senador Christopher Bong Go sa kanyang pag-atras sa 2022 Presidential Elections.

Ayon kay Cusi sana ay hindi ituloy ni Go ang pagpunta sa COMELEC upang opisyal na bawiin ang kanyang kandidatura sa pagka-Pangulo.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Naniniwala umano ang partido na si Go ang kayang magpatuloy sa mga magagandang programa ni Pangulong Duterte para sa bansa.

Magugunitang inanunsiyo ni Go ang pag-withdraw sa presidential race dahil hindi umano dito pabor ang kanyang pamilya at ayaw niyang patuloy na maipit si Pangulong Duterte.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Wala pa naman sinasabi ang senador kung kailan magtutungo sa COMELEC para pormal na bawiin ang kanyang kandidatura.