Farm to market and tourist roads sa T’boli, South Cotabato, nakumpleto na!

KORONADAL CITY- NAKUMPLETO na ang 3.2 kilometers na road project sa Barangay Lamhaku, T’boli, South Cotabato sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways o DPWH-12.

Ang naturang road project ay sinimulan noong 2018 sa ilalim ng Multi-Year Road Tourism Infrastructure sa pangunguna ng Department of Tourism o DOT.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Unang nakumpleto ang Phase 1 na may 1.2 kilometers noong 2018; Phase 2 na may 1.15 kilometers noong 2019, samantala nakumpleto ang Phase 3 noong taong 2020 na mayroong 3.28 kilometers.

Layunin ng naturang daan na mapabilis ang paghahatid ng mga produkto at mapasigla ang turismo sa naturang bayan bilang dagdag na kita sa mga residente sa lugar.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Ang nasabing proyekto ay pinondohan sa ilalim ng Buid, Build, Build program ng gobyerno.