Bulkang Pinatubo nananatili sa Alert Level 0-Phivolcs

Nananatili sa Alert Level zero ang estado ngayon ng Bulkang Pinatubo sa Zambales ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs.

Ito ay kasunod nang nangyaring phreatic eruption kahapon ng tanghali bandang 12:09 hanggang 12:13.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum Jr., maliit lamang ang usok na inilabas kahapon ng bulkan at masyado itong maputi, ibig sabihin karamihan umano nito ay water vapor lamang.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Wala naman aniyang inaasahan o nakikitang pagsabog na may bagong magma na lalabas mula sa bulkan ang Phivolcs.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ang paalala lamang ng ahensya sa publiko na iwasan muna ang pagpunta sa tuktok nito lalo na sa crater ng Pinatubo.

Samantala, kapag nagkaroon umano ng pagbabago sa aktibidad ng bulkan ay mag-iisyu naman bulletin ang Phivolcs.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'Health Tips! Lazada Labanan ang stress. Iwasang makagat ang loob ng bunganga. Para iwas araaayyyyyy sa sa singaw, palakasin ang immune system at mag GUARD-C CALCIUM ASCORBATE ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C www.an'