Drug rehab center itatayo sa Surallah, SoCot


KORONADAL CITY- LUMAGDA na sa kontrata ang local government unit (LGU) ng Surallah at contractor na South Oil Corporation para sa construction ng Drug Rehabilitation Center sa Barangay Centrala.

Umabot sa P 4,999,875 ang approved budget sa kontrata.

Ang naturang pondo ay mula sa grant ng Dangerous Drugs Board o DDB.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Napag-alaman na isa ang LGU Surallah sa limang mga LGU sa region 12 na nabigyan ng P 5 million na funding para sa pagpapatayo ng drug rehabilitation facilities.

Kabilang sa mga ito ang bayan ng Polomolok sa South Cotabato, Isulan sa Sultan Kudarat, Malungon sa Saranggani at Kabacan sa North Cotabato.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ang pagpapatayo ng drug rehabilitation center ay isa sa mga hakbang ng gobyerno sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA upang mapaigting ang community-based drug rehabilitation program sa rehiyon at masugpo ang problema sa iligal na droga.