Nadine Lustre, tinag ang rumored boyfriend sa isang litrato

Tila ay unti-unti nang ipinakikilala ng aktres at singer na si Nadine Lustre ang bago nitong iniibig matapos nitong mag-post sa kauna-unahang pagkakataon ng litrato ng kaniyang rumored boyfriend.

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Lustre ang full moon na kinuhanan mula sa isang beach.

Read More:  Ronnie Liang reveals ambition to become next Philippine president

Kasama sa mga litrato ay ang silhouette ng isang lalaki na nasa foreground.

Naka-tag sa larawan ang lalaki na kinilala bilang Christophe Bariou, na usap-usapan bilang kaniyang bagong nobyo nitong mga nakaraang buwan.

Dati nang nag-share si Lustre ng clip ni Bariou sa kaniyang Instagram Stories noong maagang bahagi ng Nobyembre.

Read More:  Andrea Brillantes opens up about alleged friendship fallout with Bea Borres

Sa parehong pagkakataon ay nag-post ang ama ni Lustre na si Ulysses ng Facebook photos na nagpapakita na kasama ng pamilya nila si Bariou sa Siargao.