Higit 600 senior citizen sa San Marcelino natanggap na ang social pension

Natanggap na ng mahigit anim na raang mga senior cirizen sa bayan ng San Marcelino ang kanilang social pension.

Ito ay para sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre na nagkakahalaga ng tatlong libong piso mula sa Department of Social Welfare and Development Region 3.

Read More:  Motorcycle rider dies in Toledo City collision with armored van

Ibinigay ang pension kahapon araw ng Huwebes sa Municipal Covered Court sa 613 na senior citizen ng bayan.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Samantala katuwang sa pamamahagi ang Municipal Social Welfare and Development Office at ang Office of the Senior Citizens Affairs o OSCA.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text