HOR, pinanindigan ang ulat ng COA na hindi nagkaroon ng overpricing sa mga transaksyon ng PS-DBM

Pinanindigan sa preliminary report ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang ulat ng Commission on Audit na hindi nagkaroon ng overpricing sa procurement ng COVID-19 supplies noong 2020.

Inihayag ito ni Deputy Speaker at Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta sa isang forum noong Miyerkules.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon kay Marcoleta, iginiit ng COA na wala itong korapsyon, overpricing o ghost delivery na nakita mula sa mga transaksyon ng gobyerno para sa pandemic supplies.

Binigyang diin rin ng mambabatas na paninindigan ng report ng House of Representatives ang probisyon sa Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1, na nagsususpindi sa mga karaniwang requirements sa ilalim ng government procurement law sa mga panahon ng krisis.

Read More:  14 countries stand behind Philippines on landmark South China Sea arbitral ruling