Araw- araw na pila ng mga humihingi ng cash assistance sa DSWD tila pangkaraniwan na lang

CAMARINES NORTE- Tila nagiging pangkaraniwan na lang ang araw- araw na pila ng mga humihingi ng cash assistance sa Provincial Office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

May mga pagkakataon ding hindi nasusunod ang social distancing lalo na kung mayroong mga nagpupumilit na makapasok sa naturang opisina na hindi naka- schedule sa araw ng kanilang pagpunta.

Martes ng umaga ng madaanan ng Brigada News na nakapila kahit ang mga matatanda na itinuturing na vulnerable sa COVID- 19.

Read More:  Mother, three children killed inside Zamboanga del Sur home

Ang mga ito ay lumalapit sa DSWD para makahingi ng tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

Ang  AICS ay isa lamang sa mga social welfare services ng DSWD.

Layunin nito na tulungan ang mga mahihirap na sumasailalim sa krisis upang matugunan sa kanilang mga  pangangailangan.

Read More:  Army discovers alleged NPA ammunition stockpile in Masbate

Kabilang dito ang tulong medikal, pampalibing, transportasyon, cash assistance, educational assistance at iba pang serbisyo.

Mas lalong humahaba ang pila lalo na kung kulang sa tauhan ang opisina.

Maliban kasi sa araw- araw na pay out sa Provincial Office, naka deploy din ang ilan nitong tauhan para naman sa ginagawang pay out sa iba’t- ibang bayan.