BICOL—Patuloy ang pagbaba ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol region dahil sa mataas na bilang ng mga gumagaling habang pababa naman ang mga bagong kasong nadaragdag.
Sa kabuuang 46,237 cumulative cases, nasa 13.15% o 6,078 na lamang ang mga aktibong kaso ng sakit.
Sa pinakahuling tala, 39 ang bagong kasong nadagdag kung saan 19 nito ay mula sa Albay. 11 ang naitala sa Legazpi City, tatlo sa Camalig, tigdalawa ang Daraga at Guinobatan at isa sa Manito.
11 ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan walo ang mula sa Naga City at tig-iisa ang Buhi, Iriga City at Tinambac.
Walo ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan tigdalawa ang Irosin at Sorsogon City at tig-iisa naman ang Barcelona, Castilla, Magallanes at Pilar.
Isa ang bagong kaso sa Catanduanes na mula sa Viga habang zero new cases ang Camarines Norte at Masbate.
Samantala, mas marami ang mga bagong gumagaling kada araw kung saan umabot sa 413 ang bagong mga naitalang nakarekober.
155 nito ay mula sa Camarines Sur, 99 sa Legazpi City, 67 sa Masbate, 63 sa Naga City, 15 sa Camarines Norte, 13 sa Sorsogon at isa sa Catanduanes.
Sa kabuuan ay umaabot na sa 38,533 (83.34%) ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol region.
Sa kabila nito, pumalo na sa 1,626 (3.52%) ang death toll matapos madagdagan ng anim na mga bagong nasawi kung saan lima nito ay mula sa Camarines Sur at isa sa Naga City.
Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### | slm