Marion Magat, balik NLEX na

Nakabalik na ang big man na si Marion Magat sa NLEX, matapos siyang makuha ng Road Warriors mula sa Blackwater Bossing kapalit nina Will McAloney at Mike Ayonayon.

Inaprubahan ng PBA ang trade noong Martes.

Read More:  Miel Fajardo eyes first world titleshot against Japan’s Masamichi Yabuki

Makukuha naman ng Blackwater ang second round pick ng NLEX sa 2023 PBA Rookie Draft sa nasabing kasunduan.

Magsisilbi ito bilang homecoming para kay Magat na naglaro para sa NLEX noong 2019 bago ito naisama sa trade ng tatlong kuponan na nagpadala kay Jericho Cruz sa Road Warriors.

Read More:  Gilas Pilipinas Boys survive Chinese Taipei comeback in FIBA U18 Asia Cup opener

Ipinaliwanag naman ni NLEX head coach at general manager Yeng Guiao na layon ng trade na palakasin ang frontline ng kanilang kuponan.